naabutan nyo pa bang magkaroon ng 'typing class'? hindi sa keyboard ng computer ha, kundi mismo sa makinilya (typewriter).hindi ko na ito naabutan, pero nung bata ako, excited akong magkaroon ng typing class kasi parati ko itong naririnig sa mga mas nakakatanda kong kapatid at mga pinsan.
merong kailangan daw hindi ka nakatingin sa mga letra. meron namang nagsabi na tatakpan daw ang mga mata mo habang nag t-type ka. tapos may humirit naman na, hindi, tatakpan daw mismo ng puting tela ang buong makinilya habang nagttype ka.
parang urban legend tong mga kwentong naririnig ko. kala mo kung ano, typewriter lang naman pala.
hilig kong paglauran at gamitin ang kinakalawang naming typewriter. gumagawa ako ng kunwaring test papers, at nagsusulat ng mga istorya.
nalungkot ako nang hindi ko na naabutan ang pinaghahandaan kong typing class. dumating na kasi ang ms-dos. ayan na ang wordstar. d-base. at lotus 123. kilig na kilig ang lahat sa dot matrix na printer.
pero iba parin talaga ang typewriter. iba talaga kasi ang lutong ng "chak-cha-chak-chak" ng bawat letra. tapos kailangan gigil na gigil ka pa sa bawat bagsak ng daliri mo sa letra.
sa prisinto ako huling nakakita ng sekretaryang gumagamit ng typewriter. bad trip na bad trip sya. hindi kasi gumagana yung space bar ng typewriter.
--
nandito ang iba pang lahok sa litratong pinoy.
10 thoughts:
Naku swerte mo naman, kahit kinakalawang pa makinilya mo, gandang collection yan :)
Happy LP sa iyo!
wow, ingatan mong mabuti yang makinilyang yan. vintage yan!
yup, yup naabutan ko pa ang typing class. 1st year high school ako nun. Kaaliw. hahaha. :)
Oo! Naabutan ko pa ang typing class. Eto may kwento ako. Kausap ko ang aking 11 taong gulang na pinsan.
Ako: Nakakita ka na ba ng typewriter?
Pinsan: Ano yun?
Ako: Yun machine na ipapasok mo yun papel, tapos may parang keyboard. Pero sa bawat pagtype mo lumalabas kaagad sa papel yun mga letters.
Pinsan: Aaah, hindi pa. Tatanungin ko sana sa 'yo, ano sinusuot ng typewriter?
Akala niya tao! Hahaha!
Happy LP!
ay ganda! ayos yan patagalin mo pa at mamahal ng mamahal ang presyo nyan!
ako naabutan ko :) at malaking pasasalamat ko kahit pinapatpat ang mga kamay namin kung mali ang pwesto kasi natuto naman ako.
ang ganda ng makinilya mo ha!
happy lp!
http://teystirol.com/2008/06/26/lp13-pag-aaral/
Hindi yata kami nag-typing class. Kaya ako ay pecking sa paggamit ng keyboard, hehehe.
Pero nung college ako, dahil wala akong computer, pinagtiyagaan ko ang aking electric typewriter na disposable ang ribbon. Gusto ko sana noon ang spellchecker kaya lang me kamahalan kaya electric typewriter na lang.
Ganda ng larawan me :)
kasi nga nung panahon ko, may B.S. in Secretarial Administration. O di ba? Hahahahahaha! At ang prof ko nuon ay seasoned secretary. i love the sound of the typewriter. even the older versions of the computer keyboard that give off the clacking sound. call me old school but i love it! kaloka nga kasi ang mga term papers at baby thesis ko nuon, typewriter ang gamit. nung nag-4th year, thank God for Word Perfect. Hahahaha!
inabot ko yan! at isa yan sa mga subject ko nung 1st yr college na line of 9 ako. ha ha
ok ang pinsan mo ah, nagbibihis din pala makinilya hehe ^^
una akong natutong mag-type sa makinilya ng nanay ko. elementary pa lang ako noon at computer age na pero typewriter hawak ko hehe.
maligayang paglilitrato! :)
eto pala ang lahok ko:
http://gallerianeri.blogspot.com/2008/06/sunog-na-kilay-burnt-brows.html
Publicar un comentario en la entrada